Friday, April 29, 2011

Royal Wedding

Nakakalokah...kahit kailan talaga hindi ako nahilig sa showbiz! Anu ba yan ROYAL wedding ito, halos namamatay ang iba sa pagpunta sa London para masaksihan ang bongang bongang kasalan na ito! May gudness! Ang daming tao....sana lang kung gaano ka engrande ang kasal na ito ay ganun din maging ka engrande ang pagsasama nila! Gudlak naman! At Kongrats na din! MABUHAY ANG BAGONG KASAL!

Tuesday, June 29, 2010

Miss ko na sya...huhuhuhuhu!

Waaaaaaaaaaah!! Miss ko na ang asawa ko! Grabe! Miss ko na ang yakap nya...miss ko na ang halik nya...miss ko na ang BABY ko!!!
Wala na kong kasabay kumain sa umaga at sa gabi....wala na akong lulutuan ng ulam at gagawan ng meryenda pag weekend. Wala na kong kasama mag MOVIE marathon! Waaaaaaaaaaah!!!!
Sabi nila madali nalang daw ang 3 months na pag aantay...sabi lang nla yun! MATAGAL yun noh! waaaaaaaaaaaah!!! 1 linggo pa nga lang sya eh!!! nababaliw na ako dito!
Tama sya tama..andito naman kids nmin kaya mas di nga daw ako dapat malungkot kaso iba talaga pag andito sya....=P
Hays...sana maksunod na kame agad dun kung pede nga lang eh! Kaso ang dami pang dapt isa-alang -alang!
Hays! Oh God please help me. Please help me to become STRONGER! I so miss mu husband na!!!!

Wednesday, May 19, 2010

Eto na Naman....Paulit ulit lang!

Nadaan ako sa Espana kanina at sa Quiapo galing sa Vito Cruz papunta kame ng anak ko sa Trinoma. Sa Bandang Espanya matatanaw ko ang FEU. Pagkatapos nadaanan ko ang Quiapo. May lugar dun na hindi ko na matandaan kung saan doon ginanap minsan ang Christmas party ng aking asawa at unang sama ko din sa kanya noon. Nadaanan ko na naman ang mga ito! Bakit kaya ganun? Kung saan may mga hindi magandang nangyari sa buhay mo paulit ulit pa nitong pinapaalala sayu ang sakit. Nakalimutan ko na siya pero sa tuwing nadadaanan ko ito pakiramdam ko ramdam ko ulit ang sakit! Parehas na parehas kung paanu ko siya naramdaman noon....ganun din ang nararamdaman ko sa tuwing nasisilayan ko ang mga lugar na ito.
Hangang ngayun na isinusulat ko na ito! Ramdam ko ang sakit ng nakaraan. Ilang oras na din ang nakakaraan nung nadaanan ko ito. Pag dating sa Trinoma nakalimutan ko na nga ito. Bakit pag uwi ay may kirot pang dumampi sa puso ko? Kaya eto isinusulat ko na lamang baka sakaling maibsan ang pagbabalik tanaw ng aking puso't isipan.
Ang sakit kasi! Alam ko matagal na pero paulit ulit na naaalala ko ang pangyayareng yun. Bakit ganun? Kapag ang masasaya ang naaalala ko saglit lang nagbabalik tanaw sa isip at puso ko, pero kapag masakit siya halos ilang araw bago ko na naman siya makalimutan? Hays ang hirap! Ang sakit! Sana di ko na ulit maranasan yun...sana sa alaala nalang...hindi ko na kakayanin pa madagdagan ang mga massakit na napagdaanan ko.

Thursday, April 29, 2010

Kahapon sa Divisoria

Kahapon pagkatapos ng Gymnastics Class ni Ishi sinama ko siya sa DIVISORIA....namili kasi ako ng mga gamit for Aliyyah's lootbag sa birthday celebration niya today.
Excited nga siya eh kasi bibili daw kame ng pick up sticks.
Pag dating sa divisoria sa Juan Luna kame bumaba...bibili ako ng notebooks sa bookstore supplier. Naisip ko since May na...magpapasukan na...notebook nalang ilagay ko sa lootbag. Tuwang tuwa si Ishi sa paligid nya...parang first time. Pero hindi rin....sadyang nag e-explore lang siguro.
Naglakad kame....matiyaga siyang naglakad...lakad....siguro inspired kasi maghahanap nga kame ng pick up sticks. Sa wakas nakarating din kame sa Divisoria Mall....dami wholesale dito!
Dami bagong toys...bagong pens...daming uso ngayun! Sarap bilhin lahat kung may pera lang ako.
Kakatuwa si Ishi habang nag ca canvass ako...walang ginawa kundi mag wonder at ma amaze sa mga paninda na nakikita niya! "WOw! Look Mom! It's so pretty!", "I want this one Mom", I'm here" yan ang mga laging sabi nya....kaya pinagtitinginan kame ng mga tindera. Mga aliw na aliw sa kanya, nagbubulungan pa ..."inglis spiking yung bata". Nakakatuwa kasi naaaliw ang tao sa kanya....nakakatakot kasi baka ma kidnap siya at mapagkamalan kameng mayaman! eheheheh =) Natapos din kame sa pagbili ng mga ilalagay sa lootbag, kaso wala talaga kameng mahanap na pick up sticks. Pinagpili ko nalang siya ng ibang toy na puwedeng ipalit sa pick up sticks...ayun sa wakas may nahanap din sya...isang PEN na ostrich! Sabi ko what color do you want? Green or Yellow?, sbai nya "Green and Yellow". Sabi ko , no you choose one only. Sabi nya " E panu si EThan? E baby brother ko yun?" At natauhan si Mommy..oo nga pala dalawa pala silang magkapatid at naiwan si bunso sa bahay. Hays!
Sa awa ng Diyos nakauwi naman kame ng maayus at may liwanag pa sa daan. Ikaw ba naman tanungin ni Ishi ng lahat ng mga panindang nakita niya na naman sa bangketa paglabas ng Divi Mall! Magmula sa TUYO, sili, sibuyas, bawang, water melon na malaki, at kung anu anu pang mga bago sa paningin nya. Hays ang bata nga naman!
Iniisip ko kung isasama ko pa ba siya sa Divisoria next time?! =P

Monday, April 12, 2010

Kaganapan sa Buhay ...

Hays! Sobrang init naman ng panahon. Parang sinisilaban na ko sa impyerno! =P
Sarap mag swimming! Nakaraang lingo lang nag swimming na kame sa Pagudpod....tpos sa Gabu...tpos after ilang days namatay na LOLO k0 =(
Sad pero okay lang atleast nagpahinga na sya....matagal na din sya nag su suffer...(sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa).
Ayun nga...since namatay umuwi ulet kame mag anak sa GABU....sayang..huling araw na nakita ko si TATANG di kame gaanu nag bonding. Natuwa sya sa MILK na binigay ko pero ilang araw nya lang nainum =( Salamat naman kung sa huling sandali ay napa saya ko sya....
Malungkot pero masaya kahit wala na si Tatang...I'm sure naman masaya yun pag masaya ang mga APO nya..
TUwang tuwa yun pag masaya kame....kaya ayun...naligo kame sa dagat! Saya! Parang Reunion naming mag pipinsan.
Halos lahat kame taga Maynila...peor parang ngayun lang nagsama sama....
Ngayun kung kailan namatay si TATANG...saklap aman! Dalawang araw kame naligo sa dagat at ilog....ang saya saya tignan ng mga bata at mga isip bata =P
Ngyun na lang kame ulet nagkaroon ng family picture....at buong buo talaga! Ako, James, Jessa at aming mga pamilya at si Jr!
Bakit kaya ganun? Kung kailan may PATAY saka pa nagkakasiyahan? Sabagay...ang pagkamatay ay di naman dapat ipagdalamhati...sapagkata ng BUHAY ay di naman satin..pinahiram lang kaya magpasalamat nalang kame sa mahigit 70 taon na binigay nya ke TATANG.

Wednesday, April 7, 2010

Bagot

Lutang sa kawalan, Yun ako ngayon...
di ko maintindihan ang nararamdaman
Nung isang linggo sobrang saya..nung isang araw naman sobrang lungkot
Nakipag ayos pero pag sapit ng gabi ayan na naman
ang sakit at kung anu anu pang mga nasa isip na nagpapalungkot
Di ko na mawari kung anu ang ugat
BAsta alam ko malungkot ako.

Nung isang araw lang sobrang GALIT na GALIT ako...
sa isang mababaw na dahilan pero katumbas ay isang mabigatna pasakit
Sobrang sakit. Walang kasing sakit. Halos buong araw akong lumuha.
Sa sobrang sakit wala na kong naramdaman nung maibalitang may isang mahalagang taong pumanaw na.
Pakiramdam ko wala nang mas sasakit pa sa naramdaman ko bago pa dumating ang balita.
Di ko kinaya...alak lang ang katumbas pero panandalian lang din
Nakakahiya dahil sa isang mababaw na dahilan para sa iba ang aking ikinagagalit
Na tila ba isang krimen ayon sa kanya...anung aking magagawa e sadyang masakit?

Bakit nga ba?
AMinado akong mababaw lang ang ikinagalit ko...
ang di ko matanggap ay ang maramdaman kong ang panig mo'y nsa iba
Masakit....tila ba akoy iyong ipinagpalit.
Nais kong kalimutan...kaya ikay aking pinagbigyan
Napaka plastik ko nga lang sa sarili ko sapagkat d ko masabing MASAKIT pa din.

Mahal ko sya anuman ang mangyare
MAHAL na MAHAL..
Mahal na mahal kahit pa hindi mo kayang pagbigyan ang mga hiling
Mahal ko sya sapagkat yan sya. Mahal ko ang lahat sa kanya.
Kung anu pa man ang nararamdaman ko ngayun...ipagsasawalang bahala ko na
Sapagkat ang pagsabi nyang MAHAL nya ko ay sapat na.

Monday, April 5, 2010

Random na Kasawian

Ligaw ang kaluluwa, di na yata alam ang tama sa mali.
Anu ang kulang sa puso mong tila ampao sa kagaanan? Wala ng laman?
Nasan na ang kaisa isang bagay na nagbibigay ng lakas ng loob?
Wala na din....san ka pa huhugot?
Ang gulo.
Pati mga lumalabas sa utak at sabay pinipindot ng mga daliri sa keyboard malabo na din.
Sing labo ng mga salitang binitiwan.
Anu na ang tamang batayan lung lahat ay malabo? SAlita o Gawa?
Kulang ang salita kung walang gawa.
Para lang isang ligaw na alikabok,
lutang, walang patutunguhan, kung madikit kung saan ay okay na.
Sana ganun na nga lang.
Mas magaan, walang pakiramdam mas maganda.
Marami nang mali pero pinagpipilitan pa din.
Malakas ka nga pero mahina ka naman.
ANu ba yan? Walang kasing gulo.
Mabuti pa ang mga blogs, diaries, at kung anu anu pa
kaya i absorb lahat ng sakit na nararamdaman ng ibang tao
wala kasi sya pakiramdam...sana diary nalng ako.
Anu ba talaga nag gusto ko isulat? wala lang?
Nanggugulo lang dn ng isip ng ibang tao.
Walang sense ang mga sinusulat ko....gaya ko.
Bakit sa dmai ng pinagdaanan ko na sakit ay yung panahong to ang mas masakit?
Bakit d b dapat naging manhid na gaya ng isang sugat na nilagyan ng alkohol?
Masakit sa una pagtapos at mamanhid na?!
Kelan ba kasi matuto ang pusong matigas nag ulo?
Hays. Ang gulo. Di ko na maintindihan kung anu ang totoo sa mundo ko.