Showing posts with label love story. Show all posts
Showing posts with label love story. Show all posts

Wednesday, May 19, 2010

Eto na Naman....Paulit ulit lang!

Nadaan ako sa Espana kanina at sa Quiapo galing sa Vito Cruz papunta kame ng anak ko sa Trinoma. Sa Bandang Espanya matatanaw ko ang FEU. Pagkatapos nadaanan ko ang Quiapo. May lugar dun na hindi ko na matandaan kung saan doon ginanap minsan ang Christmas party ng aking asawa at unang sama ko din sa kanya noon. Nadaanan ko na naman ang mga ito! Bakit kaya ganun? Kung saan may mga hindi magandang nangyari sa buhay mo paulit ulit pa nitong pinapaalala sayu ang sakit. Nakalimutan ko na siya pero sa tuwing nadadaanan ko ito pakiramdam ko ramdam ko ulit ang sakit! Parehas na parehas kung paanu ko siya naramdaman noon....ganun din ang nararamdaman ko sa tuwing nasisilayan ko ang mga lugar na ito.
Hangang ngayun na isinusulat ko na ito! Ramdam ko ang sakit ng nakaraan. Ilang oras na din ang nakakaraan nung nadaanan ko ito. Pag dating sa Trinoma nakalimutan ko na nga ito. Bakit pag uwi ay may kirot pang dumampi sa puso ko? Kaya eto isinusulat ko na lamang baka sakaling maibsan ang pagbabalik tanaw ng aking puso't isipan.
Ang sakit kasi! Alam ko matagal na pero paulit ulit na naaalala ko ang pangyayareng yun. Bakit ganun? Kapag ang masasaya ang naaalala ko saglit lang nagbabalik tanaw sa isip at puso ko, pero kapag masakit siya halos ilang araw bago ko na naman siya makalimutan? Hays ang hirap! Ang sakit! Sana di ko na ulit maranasan yun...sana sa alaala nalang...hindi ko na kakayanin pa madagdagan ang mga massakit na napagdaanan ko.

Wednesday, April 7, 2010

Bagot

Lutang sa kawalan, Yun ako ngayon...
di ko maintindihan ang nararamdaman
Nung isang linggo sobrang saya..nung isang araw naman sobrang lungkot
Nakipag ayos pero pag sapit ng gabi ayan na naman
ang sakit at kung anu anu pang mga nasa isip na nagpapalungkot
Di ko na mawari kung anu ang ugat
BAsta alam ko malungkot ako.

Nung isang araw lang sobrang GALIT na GALIT ako...
sa isang mababaw na dahilan pero katumbas ay isang mabigatna pasakit
Sobrang sakit. Walang kasing sakit. Halos buong araw akong lumuha.
Sa sobrang sakit wala na kong naramdaman nung maibalitang may isang mahalagang taong pumanaw na.
Pakiramdam ko wala nang mas sasakit pa sa naramdaman ko bago pa dumating ang balita.
Di ko kinaya...alak lang ang katumbas pero panandalian lang din
Nakakahiya dahil sa isang mababaw na dahilan para sa iba ang aking ikinagagalit
Na tila ba isang krimen ayon sa kanya...anung aking magagawa e sadyang masakit?

Bakit nga ba?
AMinado akong mababaw lang ang ikinagalit ko...
ang di ko matanggap ay ang maramdaman kong ang panig mo'y nsa iba
Masakit....tila ba akoy iyong ipinagpalit.
Nais kong kalimutan...kaya ikay aking pinagbigyan
Napaka plastik ko nga lang sa sarili ko sapagkat d ko masabing MASAKIT pa din.

Mahal ko sya anuman ang mangyare
MAHAL na MAHAL..
Mahal na mahal kahit pa hindi mo kayang pagbigyan ang mga hiling
Mahal ko sya sapagkat yan sya. Mahal ko ang lahat sa kanya.
Kung anu pa man ang nararamdaman ko ngayun...ipagsasawalang bahala ko na
Sapagkat ang pagsabi nyang MAHAL nya ko ay sapat na.

Wednesday, March 24, 2010

Ayaw mag Text?!

Hay! Araw araw nalang sa ginawa ng Diyos...simpleng hiling ko na itext man lang ako pag uuwi na sya mula sa office, never na magawa consistently. I guess kelangan ko na tanggapin yun. Na kapag hindi talaga gawain ng isang tao eh never nya yun magagawa. Nahalata ko lang naman. Pero di na ko nagrereklamo. Saka nalang sya ag text pag nagpaalama siyang gagabihin sya. Kasi un mag aalala talaga ko pag umuwi sya ng alanganing oras. Nagpapatext lang naman ako para masiguro ang kaligtasan nya. Bakit nga ba? Panu mo ko ba nsabing masisiguro ko ang kanyang kaligatasan? Pag nag text ba siya ay mailalayao ko siya sa kapahamakang sakaling dumating sa gitna ng kalsada habang pauwi siya? HIndi naman! Ang sakin lang eh...kapag nalaman kong pauwi na sya ng ganitong oras...inaasahan kong makkaauwi siya sa oras na alam ke depende sa pinanggalingan nya. Sa ganun hindi ako mag aalala..manghuhula at ag iisip ng kung anu anu. Ewan ko kung may kapareha ako ng ganitong pakiramdam bilang isang asawa o ako lang. Basta ang sakin sana eh....mag text ka man lang di ba? Pero wala akong magagawa...ginagwa nya lang yun nun kame'y mag BF-GF pa lang. Ultimo pagkain sa umaga, sa gabi sa tanghali, meryenda tine text! Hmp! Hindi consistent di ba? Anyways andyan na yan....wala naman kame pinirmahang contrata na dapat sumunod siya sa lahat ng request ko hehehehe =-) ANyways pinag aaralan ko nang masanay on his way. Para wala ng gulo at para di na din ako madalas magtampo. Dahil alam mo naman ako....101% ang tamporurot sa ktawan. Hays di bale matututo di ako! =)

Sunday, March 14, 2010

Maramot na Pag ibig

Bakit ba iba't ibang klase ng pagmamahal meron tayu...wala ba yung standard? Para atleaset alam mo na tama ka or mali ka. Hays...hirap aman.
Sabi kasi "love is not jealous" ibig sabihin ba nito hindi ko mahal ang isang tao pag nagseselos ako? Aw! Napakaselosa ko pa namang tao! Lahat nalang pinagseselosan ko...ultimo kaibigan ng asawa ko...mga papuring salita nya sa iba pinagseselosan ko. Ewan ko ba...pag naririnig ko ang mga bagay na yun nasasaktan ako. Tama ba yun? Normal p b yun? Nagseselos ako sa tuwing manlilibre siya ng iba...nagseselos ako pag mag pinupuri syang iba lalu na pag babae, nagseselos dn ako pag lumalabas sya kasama ang kaibigan mapalalaki man yan o mapababae..sa palagay ko mild pa ko nyan kasi hindi naman ako nagbubunganga sa asawa ko pag nag seselos ako...hindi ko din naman inumbagan ang taong pinagseselosan ko. Pero inconsistent naman kasi ako....ngayong taon ko lang ulet nararamdaman to. SImula nung ikasal kame wala naman akong ibang pinagseselosan....wala ako ng pakialam sa mga taong umaaligid aligid sa asawa ko...bakit kaya ganun? ANu bang nagyayare sakin? Kung takot ako na mawala sakin ang asawa ko bakit hindi ko nalng sya alagaan ng mabuti at pagsilbihan baka sakaling lumalim pa ang pag iibigan nyo kaysa nang aaway ako! Waaaaaah!!! =( Nakakahiya sa asawa ko sa tuwing pag aawayan namin ang mga bagay na sa bandang huli ma re realize ko na mali at walang kakwenta kuwenta! Hays. Hirap ng masyadong emosyonal. Hirap ng masyadong nagpapadala sa puso at hindi sa isip. Sana balang araw matutunan ko ang pag ibig na walang halong pagdadamot. Sana isang araw magising nalang ako na hindi nag iisip ng kung anu anung malisyosong bagay. Sana paggising ko puro pagammahal lang ang nararmdaman ko at walanng pagdududa sa isip. Sana Puro tiwala ang maibigay ko at hindi pag a assume ng mga bagay na alam mo naman hindi magagwa ng mahal mo pero cge pa din ang isip mo. Hays....sana ....sana.....kais nadudurog ang puso ko sa tuwing nasasaktan ko ang asawa ko sa mga actions ko.

Saturday, March 13, 2010

Bakit Kasi May Engagement Pa?

Nakakatuwa at nakakaiyak pag may nababalitaan akong engaged na....Ewan ko ba...di ko din ma explain. Naisip ko natutuwa ako para sa isang taong engaged na lalu na kapag kitang kita mo naman sa taong masaya sya....Ngayun kasi kakabalita ko lang sa isang kaibigan engaged na sila. Nag propose daw si lalaki in his very own sweet way. Nagbakasyun silang dalawa, tapos hinandaan ng surprise dinner si babae, tapos pag labas nya na surprise and na excite sya coz with matching candle light dinner pa.....(aw kung ako yun mamamatay na ko sa kilig) pero akala nya nga isang simpleng dinner lang pero...waw! Nag propose si lalaki with matching luhod pa....at yun na engage na sila. Ang sweet di ba? Nakakainggit. Bakit ba hindi kame dumaan sa process na gnun muna bago kame nagpakasal ng asawa ko?! Hmnmm..hindi naman ako nagsisisi pero bilang isang babae, napakasarap sa pakiramdam ng naranasan mo din siguro ang ganun. Bilang isang babae naiinggit ako na may mga ganung stage sa buhay nila. Mahalaga sa isang babae ang mga ganung treatment. Pakiramdam namin napaka espesyal namin. Hindi ko naman masisisi ang asawa ko kngbakit d kame dumaan sa ganung stage...dahil nabuntis naman na ako kaagad at kailangan na naming magpakasal. Minsan naiisip ko nagpakasal lang kame dahil nabuntis ako....pero nararamdaman ko naman sa asawa ko na mahal nya ako at gusto naman nya din akong pakasalan. Iba iba lang talaga ang lalaki....hindi naman lahat ay ganun klaseng mag propose. Dati naalala ko nung hindi pa kame kasal at hindi pa ako buntis....sabi nya sakin..."kailan mo ba matututunang magtiwala sakin? Panu nalang kung kasal na tayu" naaalala ko ung lines na yun pero ewan ko kung naaalala nya pa...naglalakad kame nun tandang tanda ko pa kung saang street yun. Simula nung marinig ko yun dun ko nalaman na kahit papanu ay gusto nya ko ng pakasalan. Kaso naging mabilis nga lang ang lahat at hindi ko na inantay pang mag propose sya kasi nabuntis na nga ako =P Hays...bakit ba nalulungkot ako na hindi ko naranasan ang naransan ng ibang mga babaeng ito samantalang masaya naman ako....masaya naman kame ng aswa ko sa piling ng dalawa naming anak. Maligaya naman ako na siya ang makakasama ko habang buhay at naging ama ng mga anak ko...Kahit hindi kame dumaan sa kung anu pang proseso bago ikasal...ang mahalaga ay nagmamahalan kame. Nagpakasal kame ng walang pagsisisihan. Hays....sadyang inggitera lang talaga ako. Hays bakit kasi may engagement pa!?

Tuesday, June 9, 2009

Ang Kwento sa Likod ng Recto

Sa wakas nakuha ko na ang aking OLYPUS FE270 mula sa servimax. kanina Gastos na naman! Isang tumataginting na anim na libo mahigit ang bayad sa pagpapaayus nito. Grabe nakaka prustreyt, puro gastos! Isa pang nakakalungkot ay nakita ko na namana ang RECTO, siyempre ang daan patungong Gilmore ay LRT1 at LRT2 kung saan ang RECTO ang nag uugnay sa dalawang treyn na ito na pareho kong sinakyan patungong Gilmore. Hay alam mo bang kapag nakkita ko ang Recto ay paulit ulit na sumasama ang loob ko? Bakit? Hmm...teka, baka pag ikinuwento ko ay pagtawanan mo lamang ako. Pero sige dahil mapilit ka ikukuwento ko na ahahahha!
Napaka memorabol sa akin ng lugar na ito, kaso hindi magandang memori ang lagi kong naaalala sa tuwing dadaan ako dito, sa tuwing makikita ko ang napakadaming estudyante dito ganun na din ang mga gimikan lalung lalu na pag nakikita ko ang FEU-east asia kung saan nagtapos ng kolehiyo ang mahal kong asawa na dati ay nobyo ko pa lamang. Hay grabe, alam mo bang ilang beses akong nasaktan noong kame ay magnobyo pa lamang? At dito mismo sa Recto nangyare ang mga pinakamasasakit na kaganapan...eheheh me ganon!?! Oo me ganun talaga. Masakit kaya ang iwan kang mag isa ng jowa mo sa gitna ng party at makita mong magturo ng bilyar sa ibang babae! At ang babae na yun ay malaman laman kong crush nya pala, haliparot na babae! ahahahah talagang me haliparot na word! ehehehhe Hindi lang yun...masakit din na aminin sayu ng jowa mo na nakipag fling sya at ako naman tong si G_g_ inalam ko pa ang buong kuwento at inalam ko pa ang lugar kung saan naganap ang mga pling-plingan na yan! Hay kaya sa tuwing makikita ko ang Recto ewan ko ba...paulit ulit na parang me tumutusok sa aking dibdb. Masakit pa rin...pilit ko mang limutin pero hindi talaga maalis. Alam ko sa sarili ko na pinatawad ko na ang aking asawa kung anu man ang nagawa niya, a;lam kong may pagkukulang din ako. MAsaya naman kame ngayun sa piling aming mga makukulit na anak pero yang mga memoryang yan ay sadyang di maalis sa puso ko. Hindi ko siya naaalala pag di ko nakikita ang recto. Ipaalis ko na kaya nag recto? Hay anu ba yan? Me sakit na ba ako sa utak??? Naku dahil pag nalaman ng asawa ko yan ay tiyak sasabihin nyang me sapak ako sa utak ehehehe kaya di ko nalnag sinasabi kasi nakakahiya di ba? Eniweys salamat sa pakikinig, sana naman ay tuluyan ng mawala sa puso at isip ko ang mga ala alang masasakit. Hay lablayp!