Monday, March 29, 2010

Tula

Ang Aming Ina
(ni: jganlising)

Ang aming Ina na nagpakadakila,
Sa aming APAT siya ay nag aruga
Simula ng aming Ama'y yumao,
Pagiging Ama't Ina'y kanyang inako.

Ang aming Ina'y walang katulad,
Kahit kanino'y di maihahalintulad
Sapagka't siya'y kakaiba at nag iisa,
Kaya't sa aming APAT siya ay mahalaga.

Ang aming Ina na laging nasa aming tabi,
Kanyang pansariling kaligayaha'y isinantabi
Sa aming APAT siya'y gumabay,
Upang lumaki ng tama at maging matagumpay.

Ang aming Ina ngyu'y Lola na,
Sa aming mga anak siya pa din ang nag aalaga
Ang kanyang pagmamahal ay walang humpay,
Siya'y laging handang gumabay habang buhay.

Ang aming Ina ngayu'y may edad na,
Nawa'y bigyan pa Niya ng lakas at sigla
Sapagkat nais pa namin siyang makasama,
At mapalitan ng ginhawa ng hirap na pinagdaanan nya.

Ang aming Ina na nagtaguyod sa aming APAT,
Kahit limpak na ginto ang ibayad ay di sapat
Sapagkat pagmamahal nya'y walang kapares
Yan si ANA ang aming INANG the BEST!

Wednesday, March 24, 2010

Ayaw mag Text?!

Hay! Araw araw nalang sa ginawa ng Diyos...simpleng hiling ko na itext man lang ako pag uuwi na sya mula sa office, never na magawa consistently. I guess kelangan ko na tanggapin yun. Na kapag hindi talaga gawain ng isang tao eh never nya yun magagawa. Nahalata ko lang naman. Pero di na ko nagrereklamo. Saka nalang sya ag text pag nagpaalama siyang gagabihin sya. Kasi un mag aalala talaga ko pag umuwi sya ng alanganing oras. Nagpapatext lang naman ako para masiguro ang kaligtasan nya. Bakit nga ba? Panu mo ko ba nsabing masisiguro ko ang kanyang kaligatasan? Pag nag text ba siya ay mailalayao ko siya sa kapahamakang sakaling dumating sa gitna ng kalsada habang pauwi siya? HIndi naman! Ang sakin lang eh...kapag nalaman kong pauwi na sya ng ganitong oras...inaasahan kong makkaauwi siya sa oras na alam ke depende sa pinanggalingan nya. Sa ganun hindi ako mag aalala..manghuhula at ag iisip ng kung anu anu. Ewan ko kung may kapareha ako ng ganitong pakiramdam bilang isang asawa o ako lang. Basta ang sakin sana eh....mag text ka man lang di ba? Pero wala akong magagawa...ginagwa nya lang yun nun kame'y mag BF-GF pa lang. Ultimo pagkain sa umaga, sa gabi sa tanghali, meryenda tine text! Hmp! Hindi consistent di ba? Anyways andyan na yan....wala naman kame pinirmahang contrata na dapat sumunod siya sa lahat ng request ko hehehehe =-) ANyways pinag aaralan ko nang masanay on his way. Para wala ng gulo at para di na din ako madalas magtampo. Dahil alam mo naman ako....101% ang tamporurot sa ktawan. Hays di bale matututo di ako! =)

Tuesday, March 23, 2010

Hanu Daw?!?

1. Kunyare nag-i love you ka na sa crush mo tapos biglang may lumitaw na dragon sa harap mo, ano favorite mong pagkain?

* Cake

2. Pag lumindol ng malakas at katabi mo crush mo, anong gusto mong sabihin sa mga may ayaw kay Pacquiao?

* Ingitera!

3. Kunyare mananalo ka ng 1 million, anong gusto mong kulay ng rainbow?

* yellow, pink and blue lang eheheh =))

4. Binigyan ka ng kapangyarihan ng diwata, ano name ng first crush mo?

* first crush...d ko n maalala! =P

5. Ipapamana sayo mga ari-arian nyo ng tatay mo. Kung papipiliin ka, punk o emo?

*wala

6. Kunyare papatay ka ng tao, saan ka galing kagabi?

* sa video city

7. Kunyare nasa gubat ka na punong puno ng mga mapanganib na hayop, papayag ka bang mapunta si Angel Locsin kay Kuya Roderick?

* huwat!?

8. Sa hirap ng buhay ngayon, anong favorite mong band?

* kahit anu nalang..hirap n nga buhay maimili pa!


9. Kunyare nakasalubong mo ex-love mo na may kasamang bago nyang boyfriend/girlfriend, anong gagawin mo para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo?

* Hmmm....ala ako masabi ala ako nagawa kundi mag pray lang.

10. Nabuntis mo girlfriend ng bestfriend mo tapos tinanong ka nya, KFC o McDO?

* KFC nlng kakaumay na MCdo eh!

11. Kunyare magugunaw na mundo bukas tapos nalaman mong gusto ka rin ng gusto mo, bakit?

* Un lang..malay ko!


12. Oo at hindi lng, anong pakiramdam mo ngayon?

* Hindi.


13. Sa gulo ng gobyerno natin ngayon, sa tingin mo may pag-asa pa bang mabago ang size ng pasas?

* Hmmm...pede. Pag lumaki ang buto ng ubas!


14. Nastranded ka sa elevator wala kang mahingan ng tulong, anong gagawin mo para makaalis ng bahay bukas?

* Hmmm maglalakad lang...recognitikon ni Ethan tom eh lapit lang school! =P


15. Naalala mo bigla ung EX mo, tingin mo naalala ka rin ng teacher mo nung grade 1?

* Malay ko sa kanya...siya nga d ko maalala eh!


16. Hindi na kayo nagpapansinan ng dating mahal mo, tingin mo alam nya ang pakiramdam mo kapag may sun burn?

* Siguro naman.


17. Dinampot ka ng pulis sa kasalanang hindi mo ginawa, anong gagawin mo para add ka nya sa friendster?

* Haller! yoko nga!


18. Nagkasabay outing ng tropa at pamilya mo? Ano uunahin mo isuot t-shirt o pantalon?

* Pede Magpanty muna at BRa?


19. Nasira mo tiwala ng kaibigan mo, paano mo maibabalik ang dating sigla ng kalikasan?

* Wala ng pag asa!


20. Pag ang baka sinabawan mo at chicken cubes nilagay mo, ano mangingibabaw, kasamaan o kabutihan?

* Ang GULO!!!! kakasira ng ULO!!!

Sunday, March 14, 2010

Maramot na Pag ibig

Bakit ba iba't ibang klase ng pagmamahal meron tayu...wala ba yung standard? Para atleaset alam mo na tama ka or mali ka. Hays...hirap aman.
Sabi kasi "love is not jealous" ibig sabihin ba nito hindi ko mahal ang isang tao pag nagseselos ako? Aw! Napakaselosa ko pa namang tao! Lahat nalang pinagseselosan ko...ultimo kaibigan ng asawa ko...mga papuring salita nya sa iba pinagseselosan ko. Ewan ko ba...pag naririnig ko ang mga bagay na yun nasasaktan ako. Tama ba yun? Normal p b yun? Nagseselos ako sa tuwing manlilibre siya ng iba...nagseselos ako pag mag pinupuri syang iba lalu na pag babae, nagseselos dn ako pag lumalabas sya kasama ang kaibigan mapalalaki man yan o mapababae..sa palagay ko mild pa ko nyan kasi hindi naman ako nagbubunganga sa asawa ko pag nag seselos ako...hindi ko din naman inumbagan ang taong pinagseselosan ko. Pero inconsistent naman kasi ako....ngayong taon ko lang ulet nararamdaman to. SImula nung ikasal kame wala naman akong ibang pinagseselosan....wala ako ng pakialam sa mga taong umaaligid aligid sa asawa ko...bakit kaya ganun? ANu bang nagyayare sakin? Kung takot ako na mawala sakin ang asawa ko bakit hindi ko nalng sya alagaan ng mabuti at pagsilbihan baka sakaling lumalim pa ang pag iibigan nyo kaysa nang aaway ako! Waaaaaah!!! =( Nakakahiya sa asawa ko sa tuwing pag aawayan namin ang mga bagay na sa bandang huli ma re realize ko na mali at walang kakwenta kuwenta! Hays. Hirap ng masyadong emosyonal. Hirap ng masyadong nagpapadala sa puso at hindi sa isip. Sana balang araw matutunan ko ang pag ibig na walang halong pagdadamot. Sana isang araw magising nalang ako na hindi nag iisip ng kung anu anung malisyosong bagay. Sana paggising ko puro pagammahal lang ang nararmdaman ko at walanng pagdududa sa isip. Sana Puro tiwala ang maibigay ko at hindi pag a assume ng mga bagay na alam mo naman hindi magagwa ng mahal mo pero cge pa din ang isip mo. Hays....sana ....sana.....kais nadudurog ang puso ko sa tuwing nasasaktan ko ang asawa ko sa mga actions ko.

Saturday, March 13, 2010

Bakit Kasi May Engagement Pa?

Nakakatuwa at nakakaiyak pag may nababalitaan akong engaged na....Ewan ko ba...di ko din ma explain. Naisip ko natutuwa ako para sa isang taong engaged na lalu na kapag kitang kita mo naman sa taong masaya sya....Ngayun kasi kakabalita ko lang sa isang kaibigan engaged na sila. Nag propose daw si lalaki in his very own sweet way. Nagbakasyun silang dalawa, tapos hinandaan ng surprise dinner si babae, tapos pag labas nya na surprise and na excite sya coz with matching candle light dinner pa.....(aw kung ako yun mamamatay na ko sa kilig) pero akala nya nga isang simpleng dinner lang pero...waw! Nag propose si lalaki with matching luhod pa....at yun na engage na sila. Ang sweet di ba? Nakakainggit. Bakit ba hindi kame dumaan sa process na gnun muna bago kame nagpakasal ng asawa ko?! Hmnmm..hindi naman ako nagsisisi pero bilang isang babae, napakasarap sa pakiramdam ng naranasan mo din siguro ang ganun. Bilang isang babae naiinggit ako na may mga ganung stage sa buhay nila. Mahalaga sa isang babae ang mga ganung treatment. Pakiramdam namin napaka espesyal namin. Hindi ko naman masisisi ang asawa ko kngbakit d kame dumaan sa ganung stage...dahil nabuntis naman na ako kaagad at kailangan na naming magpakasal. Minsan naiisip ko nagpakasal lang kame dahil nabuntis ako....pero nararamdaman ko naman sa asawa ko na mahal nya ako at gusto naman nya din akong pakasalan. Iba iba lang talaga ang lalaki....hindi naman lahat ay ganun klaseng mag propose. Dati naalala ko nung hindi pa kame kasal at hindi pa ako buntis....sabi nya sakin..."kailan mo ba matututunang magtiwala sakin? Panu nalang kung kasal na tayu" naaalala ko ung lines na yun pero ewan ko kung naaalala nya pa...naglalakad kame nun tandang tanda ko pa kung saang street yun. Simula nung marinig ko yun dun ko nalaman na kahit papanu ay gusto nya ko ng pakasalan. Kaso naging mabilis nga lang ang lahat at hindi ko na inantay pang mag propose sya kasi nabuntis na nga ako =P Hays...bakit ba nalulungkot ako na hindi ko naranasan ang naransan ng ibang mga babaeng ito samantalang masaya naman ako....masaya naman kame ng aswa ko sa piling ng dalawa naming anak. Maligaya naman ako na siya ang makakasama ko habang buhay at naging ama ng mga anak ko...Kahit hindi kame dumaan sa kung anu pang proseso bago ikasal...ang mahalaga ay nagmamahalan kame. Nagpakasal kame ng walang pagsisisihan. Hays....sadyang inggitera lang talaga ako. Hays bakit kasi may engagement pa!?

Thursday, November 5, 2009

Ang Simula ng Aming Pangarap....

Apat na taon na din kameng nagsasama ng aking mahal na asawa...dalawa na ang anak....hanggang ngayun ay nakatira pa din sa bahay ng mga magulang ng aking asawa. Hindi naman dahil sa wala kameng pambili ng sariling bahay...ang totoo ay may hinuhulugan na kameng condominium unit. Inuna muna namin ito sa kadahilanang nais muna namin na magkaron ng munting inbestment na balang araw ay mapagkakakitaan din namin. Inaasahan sana naming mag asawa na paglipas ng isang taon mahigit ay tataas na ulet ang sahod nya. Sa kasawiang palad saka naman dumating ang isang matinding tinatawag nating recession kaya naman ang daming kompanya ang talaga namang naapektuhan sa ating bansa. Ang dami ng nawalan ng trabaho...andming mga bagong gradweyt ang hanggang ngayun ay di pa makahanap ng trabaho. Isa sa masuwerteng may trabaho pa din ang aking asawa. Ako naman ay sa awa ng Diyos ay nakakabenta pa din ng bahay at lupa. Dapatwat ako'y may ibang pinagkakakitaan, saka nama dumarating ang mga di inaasahang bayarin sa tuwi tuwina. Sadyang ganun nga lang talaga ang buhay....tama lang ang bigay ng Diyos. Naisip ko na kung mas dadamihan ko pa ang aking benta ay baka ganun din, mas dadami din ang pagkakagastusan. Hindi naman ganun kahalaga sa akin ang pera kung sana'y wala akong pamilyang umaasa pa din sa akin, kung wala akong pangarap para sa mga anak ko, kaso mayroon di ba? Aminin man nati o hindi mahalaga pa din ang may pera. Kaya naman ginagawa natin ang lahat, nagsisipag at ginagalingan pa natin para maging malaki ang kita di ba? Ngayung taon na ito ay inaasahan naming mai-lipat na sa pangalan namin ang condo, sa kabila nito kailangan din namin maghanda ng malaking halaga para sa mga babayaran bago mailipat ito sa amin. Maraming dapat pang asikasuhin...maraming dapat paghandaan. Yan ay sa darating na MAYO 2010 na....ibig sabihin bago mag MAYO ay maiayus na nmin ang aming mga pambayad...yun ay kung may pambayad ehehehe =) Sa totoo lang mayroon na sana...kaso unti unti lamang itong nauubos dahil di maiwasang mahugot ito. Kaya ngayun ay medyo nagkakaproblema. Sana ay maayus din ito =) Alam ko namang maayus din. Isa na sanang malaking oprtunidan ang dumating sa aming pamilya.....ang mapunta ng Amerika! Sinung aayaw sa Amerika...asawa ko lang ata yun! ahahaha! Totoo mahirap ang buhay doon lalu na sa katulad ng asawa kong nasanay sa ginhawa! Pero sipag lang ang katapat...alam kong hindi kame mag hihirap! Alam kong magaling ang asawa ko...alam kong kakayanin nya. Sa simula palang nung kame ay mag nobyo palang....malaki na ang kumpiyansa ko sa kanya! Alam kong magiging isa syang magaling na programmer....alam kong s apiling nya ay magkakaroon ng maginhwang buhay ang aking mga magiging anak. Hindi ako nagkamali! Bilib na bilib ako sa asawa ko! Lalu na ngayung nabigyan siya ng oprtunidad na magtrabaho at manirahan sa Amerika na kasama ang buo nyang pamilya. Sana nga lang ay maipasa nya ang mga pagsusuring gagawin para siya ang mapili. Kung mangyari mang hindi kame palarin....isa lang ang ibig sabihin nyan...hindi para sa amin ang oprtunidad na iyun! At anu man ang mangyare....BILIB pa din ako sa asawa ko! Alam kong hindi man nya nakuha ang oportunidad na ito, alam kong marami pang magagandang bagay ang naghihintay para sa kanya dahil isa siyang matalino at mabuting tao. Aaminin ko malulungkot ako pag hindi ito natuloy pero matatanggap ko pa din naman basta ang mahalaga...sama sama kame kahit anung mangyare! MAhal na mahal kita daddy at proud na proud ko sayu!

Saturday, October 3, 2009

Saan ba ang dapat lulugar ang isang asawang babae?!

Ako'y isang babaeng kabiyak ng aking asawang lalake, ina ng dalawang batang bunga ng pagmamahalan naming mag asawa. Noong naging kame ay legal na mag asawa sa Batas at sa mata ng Diyos, ang sabi kami ay naging isa. Magkaramay sa hirap at ginhawa. Magkatuwang sa lahat ng desisyon. Akala ko ako ay isang kaibigan ng aking asawa, mapagkakatiwalaan, mapagsasabihan ng problema at masasandigan. Mali ata ako ng paniniwala. Mali ata ang interpretasyon ko.
Unang una nais kong laging kasama ang aking asawa. Kahit sa anung lakad wala akong pinipili basta inaya nya ko. Naisip ko lng na baka ikinahihiya nya ko kasi ako'y isa nang babaeng mataba, pangit at malaki ang tyan. Tama ba ang naisip ko? Aba't insekyur lang ata ako! Tama ba na isipin yon? Aba eh ano naman ngayun ung mataba ka na? Kung pangit ka? Bakit pogi ba asawa mo ahahaha! Anu bang tanong yun?! Eh bakit nga ba naisip mo yun? Ewan ko ba wala kasi akong makitang dahilan para di nya ko isama sa mga lakad nya. Siyempre naisip ko meron ding mga bagay na hindi dapat kasama ang babae. Naiintindihan ko yun. Bakit nga ba kasi sama ka ng sama? Wala lang kasi naman gusto ko din sana mag enjoy. Kaso parang feeling ko ako lang ang nag eenjoy. Hindi nya gusto akong kasama. AKala ko masaya sya na kasama ako pero hindi pala. Nagbago na sya. Naiba na kasi ang mga grupo ng kaibigan nya. Gnun kaya yun? Ganun kaya ang dahilan? Ouch nasasaktan talaga ako! Hindi ko maintindhan at hindi nya in ako maintindihan. Bakit ba kame nagkakaganito? Wala namang problema dati ah? Eh kasi naman dati wala namang aktibidades ang asawa mo na hindi ka kasama eh kagaya ng GYM, di ba lage kayu magkasama? E ngayung me basketball na sya alangan naman magbasketball ka din? Aw! Nga naman! Ngayung nag bibilyar sya....opps teka nag bibilyar ka din nmn d b? OO nga marunong naman ako eh! Eh bakit di ka nya ayain? Eh kasi tagapag alaga ka kaya ng mga anak mo! Aw yun ba yun?! Ang saklap naman pla ng buhay ng isang babae! Pangbahay lang ba? Aw so anpheyr naman! Ganun ba talaga ang papel ng isang babae? Kung ganun mas gusto kong maging lalake! Aw! Anu ba tong pinagsasasabi ko? Naaawa ako sa sarili ko. Parang ako lang ang nagmamahal? Aw tama ba yun? Hindi naman siguro, nararamdaman ko naman kahit papanu na mahal nya ko. Kaso bakit ganun...ni hindi nya nga alam na me lagnat ako ngayun eh. Ni hindi nya nga kinukumusta ang araw ko eh. Iba ang paraan nya ng pagpapakita ng pagmamahal. Ahh alam ko na, masyado ka lang palang mapaghanagad! Hinahanap mo ang mga bagay na wala naman sa asawa mo! Aw ganun b yun? E bakit dati lagi nya kong sinasama...kasi bago palang kame? KAsi sexy pa ko nun? Aw kelan?! ehehhehe =) Eniweys, dati naman gusto ko lang ay anak ah!? bakit ngayun hinahanao ko pa ang asawa ko? Kung kaya ko naman mabuhay ng walang asawa! Aw ewan ko ba. ANu nga ba ang totoong papel ko? Turuan nyo naman ako! Baka kasi ober na ako! Baka kasi masyado kong sinisira ang buhay at kaligayahan ng asawa ko! Lunes hanggang biyernes trabaho lang sya ng trabaho. Uuwi kakain at matutulog. Tuwing miyerkules may bastketball siya, uuwe alas dose na nag gabi kunabukasan me pasok pa. ABa't pagod na nga! Biyernes magbibilyar sya, uuwi alas kuwatro ng umaga. Tulog pag sabado. Pinipilit naman nya gumisisng agad para makapag laro sa mga bata. Kinabukasan linggo may basketball sya. Aw....parang wala akong nakitang para sa akin! Hindi ba ko nakakaawa? Aw! Isa akong katulong lamang. Nag-asawa para magka anak at nag ka anak upang maging tagapag alaga. Napaka gandang role. Hays. Buhay! Sana unti unti kong matanggap ang aking papel. Sana naman ay hindi na ko masaktan. Bakit ba masyado akong emosyonal! Hindi naman ata dapat. Sana mabasa ng mga kapwa ko babae ang aking blog ng mahimasmasan naman ako, Ng malaman ko na hindi lang ako ang ganito at nagkakaganito! Nakaka awa naman kasi ako! Ayoko mabuhay ng puro awa ang nararamdaman sa sarili. Gusto ko ding sumaya. Gusto ko ding magkaron ng buhay. Ngayun...nais ko lang malaman kung anu ang tunay na papel ng isang asawang babae para hindi ako naghuhula.