Thursday, November 5, 2009

Ang Simula ng Aming Pangarap....

Apat na taon na din kameng nagsasama ng aking mahal na asawa...dalawa na ang anak....hanggang ngayun ay nakatira pa din sa bahay ng mga magulang ng aking asawa. Hindi naman dahil sa wala kameng pambili ng sariling bahay...ang totoo ay may hinuhulugan na kameng condominium unit. Inuna muna namin ito sa kadahilanang nais muna namin na magkaron ng munting inbestment na balang araw ay mapagkakakitaan din namin. Inaasahan sana naming mag asawa na paglipas ng isang taon mahigit ay tataas na ulet ang sahod nya. Sa kasawiang palad saka naman dumating ang isang matinding tinatawag nating recession kaya naman ang daming kompanya ang talaga namang naapektuhan sa ating bansa. Ang dami ng nawalan ng trabaho...andming mga bagong gradweyt ang hanggang ngayun ay di pa makahanap ng trabaho. Isa sa masuwerteng may trabaho pa din ang aking asawa. Ako naman ay sa awa ng Diyos ay nakakabenta pa din ng bahay at lupa. Dapatwat ako'y may ibang pinagkakakitaan, saka nama dumarating ang mga di inaasahang bayarin sa tuwi tuwina. Sadyang ganun nga lang talaga ang buhay....tama lang ang bigay ng Diyos. Naisip ko na kung mas dadamihan ko pa ang aking benta ay baka ganun din, mas dadami din ang pagkakagastusan. Hindi naman ganun kahalaga sa akin ang pera kung sana'y wala akong pamilyang umaasa pa din sa akin, kung wala akong pangarap para sa mga anak ko, kaso mayroon di ba? Aminin man nati o hindi mahalaga pa din ang may pera. Kaya naman ginagawa natin ang lahat, nagsisipag at ginagalingan pa natin para maging malaki ang kita di ba? Ngayung taon na ito ay inaasahan naming mai-lipat na sa pangalan namin ang condo, sa kabila nito kailangan din namin maghanda ng malaking halaga para sa mga babayaran bago mailipat ito sa amin. Maraming dapat pang asikasuhin...maraming dapat paghandaan. Yan ay sa darating na MAYO 2010 na....ibig sabihin bago mag MAYO ay maiayus na nmin ang aming mga pambayad...yun ay kung may pambayad ehehehe =) Sa totoo lang mayroon na sana...kaso unti unti lamang itong nauubos dahil di maiwasang mahugot ito. Kaya ngayun ay medyo nagkakaproblema. Sana ay maayus din ito =) Alam ko namang maayus din. Isa na sanang malaking oprtunidan ang dumating sa aming pamilya.....ang mapunta ng Amerika! Sinung aayaw sa Amerika...asawa ko lang ata yun! ahahaha! Totoo mahirap ang buhay doon lalu na sa katulad ng asawa kong nasanay sa ginhawa! Pero sipag lang ang katapat...alam kong hindi kame mag hihirap! Alam kong magaling ang asawa ko...alam kong kakayanin nya. Sa simula palang nung kame ay mag nobyo palang....malaki na ang kumpiyansa ko sa kanya! Alam kong magiging isa syang magaling na programmer....alam kong s apiling nya ay magkakaroon ng maginhwang buhay ang aking mga magiging anak. Hindi ako nagkamali! Bilib na bilib ako sa asawa ko! Lalu na ngayung nabigyan siya ng oprtunidad na magtrabaho at manirahan sa Amerika na kasama ang buo nyang pamilya. Sana nga lang ay maipasa nya ang mga pagsusuring gagawin para siya ang mapili. Kung mangyari mang hindi kame palarin....isa lang ang ibig sabihin nyan...hindi para sa amin ang oprtunidad na iyun! At anu man ang mangyare....BILIB pa din ako sa asawa ko! Alam kong hindi man nya nakuha ang oportunidad na ito, alam kong marami pang magagandang bagay ang naghihintay para sa kanya dahil isa siyang matalino at mabuting tao. Aaminin ko malulungkot ako pag hindi ito natuloy pero matatanggap ko pa din naman basta ang mahalaga...sama sama kame kahit anung mangyare! MAhal na mahal kita daddy at proud na proud ko sayu!

Saturday, October 3, 2009

Saan ba ang dapat lulugar ang isang asawang babae?!

Ako'y isang babaeng kabiyak ng aking asawang lalake, ina ng dalawang batang bunga ng pagmamahalan naming mag asawa. Noong naging kame ay legal na mag asawa sa Batas at sa mata ng Diyos, ang sabi kami ay naging isa. Magkaramay sa hirap at ginhawa. Magkatuwang sa lahat ng desisyon. Akala ko ako ay isang kaibigan ng aking asawa, mapagkakatiwalaan, mapagsasabihan ng problema at masasandigan. Mali ata ako ng paniniwala. Mali ata ang interpretasyon ko.
Unang una nais kong laging kasama ang aking asawa. Kahit sa anung lakad wala akong pinipili basta inaya nya ko. Naisip ko lng na baka ikinahihiya nya ko kasi ako'y isa nang babaeng mataba, pangit at malaki ang tyan. Tama ba ang naisip ko? Aba't insekyur lang ata ako! Tama ba na isipin yon? Aba eh ano naman ngayun ung mataba ka na? Kung pangit ka? Bakit pogi ba asawa mo ahahaha! Anu bang tanong yun?! Eh bakit nga ba naisip mo yun? Ewan ko ba wala kasi akong makitang dahilan para di nya ko isama sa mga lakad nya. Siyempre naisip ko meron ding mga bagay na hindi dapat kasama ang babae. Naiintindihan ko yun. Bakit nga ba kasi sama ka ng sama? Wala lang kasi naman gusto ko din sana mag enjoy. Kaso parang feeling ko ako lang ang nag eenjoy. Hindi nya gusto akong kasama. AKala ko masaya sya na kasama ako pero hindi pala. Nagbago na sya. Naiba na kasi ang mga grupo ng kaibigan nya. Gnun kaya yun? Ganun kaya ang dahilan? Ouch nasasaktan talaga ako! Hindi ko maintindhan at hindi nya in ako maintindihan. Bakit ba kame nagkakaganito? Wala namang problema dati ah? Eh kasi naman dati wala namang aktibidades ang asawa mo na hindi ka kasama eh kagaya ng GYM, di ba lage kayu magkasama? E ngayung me basketball na sya alangan naman magbasketball ka din? Aw! Nga naman! Ngayung nag bibilyar sya....opps teka nag bibilyar ka din nmn d b? OO nga marunong naman ako eh! Eh bakit di ka nya ayain? Eh kasi tagapag alaga ka kaya ng mga anak mo! Aw yun ba yun?! Ang saklap naman pla ng buhay ng isang babae! Pangbahay lang ba? Aw so anpheyr naman! Ganun ba talaga ang papel ng isang babae? Kung ganun mas gusto kong maging lalake! Aw! Anu ba tong pinagsasasabi ko? Naaawa ako sa sarili ko. Parang ako lang ang nagmamahal? Aw tama ba yun? Hindi naman siguro, nararamdaman ko naman kahit papanu na mahal nya ko. Kaso bakit ganun...ni hindi nya nga alam na me lagnat ako ngayun eh. Ni hindi nya nga kinukumusta ang araw ko eh. Iba ang paraan nya ng pagpapakita ng pagmamahal. Ahh alam ko na, masyado ka lang palang mapaghanagad! Hinahanap mo ang mga bagay na wala naman sa asawa mo! Aw ganun b yun? E bakit dati lagi nya kong sinasama...kasi bago palang kame? KAsi sexy pa ko nun? Aw kelan?! ehehhehe =) Eniweys, dati naman gusto ko lang ay anak ah!? bakit ngayun hinahanao ko pa ang asawa ko? Kung kaya ko naman mabuhay ng walang asawa! Aw ewan ko ba. ANu nga ba ang totoong papel ko? Turuan nyo naman ako! Baka kasi ober na ako! Baka kasi masyado kong sinisira ang buhay at kaligayahan ng asawa ko! Lunes hanggang biyernes trabaho lang sya ng trabaho. Uuwi kakain at matutulog. Tuwing miyerkules may bastketball siya, uuwe alas dose na nag gabi kunabukasan me pasok pa. ABa't pagod na nga! Biyernes magbibilyar sya, uuwi alas kuwatro ng umaga. Tulog pag sabado. Pinipilit naman nya gumisisng agad para makapag laro sa mga bata. Kinabukasan linggo may basketball sya. Aw....parang wala akong nakitang para sa akin! Hindi ba ko nakakaawa? Aw! Isa akong katulong lamang. Nag-asawa para magka anak at nag ka anak upang maging tagapag alaga. Napaka gandang role. Hays. Buhay! Sana unti unti kong matanggap ang aking papel. Sana naman ay hindi na ko masaktan. Bakit ba masyado akong emosyonal! Hindi naman ata dapat. Sana mabasa ng mga kapwa ko babae ang aking blog ng mahimasmasan naman ako, Ng malaman ko na hindi lang ako ang ganito at nagkakaganito! Nakaka awa naman kasi ako! Ayoko mabuhay ng puro awa ang nararamdaman sa sarili. Gusto ko ding sumaya. Gusto ko ding magkaron ng buhay. Ngayun...nais ko lang malaman kung anu ang tunay na papel ng isang asawang babae para hindi ako naghuhula.

Tuesday, June 9, 2009

Ang Kwento sa Likod ng Recto

Sa wakas nakuha ko na ang aking OLYPUS FE270 mula sa servimax. kanina Gastos na naman! Isang tumataginting na anim na libo mahigit ang bayad sa pagpapaayus nito. Grabe nakaka prustreyt, puro gastos! Isa pang nakakalungkot ay nakita ko na namana ang RECTO, siyempre ang daan patungong Gilmore ay LRT1 at LRT2 kung saan ang RECTO ang nag uugnay sa dalawang treyn na ito na pareho kong sinakyan patungong Gilmore. Hay alam mo bang kapag nakkita ko ang Recto ay paulit ulit na sumasama ang loob ko? Bakit? Hmm...teka, baka pag ikinuwento ko ay pagtawanan mo lamang ako. Pero sige dahil mapilit ka ikukuwento ko na ahahahha!
Napaka memorabol sa akin ng lugar na ito, kaso hindi magandang memori ang lagi kong naaalala sa tuwing dadaan ako dito, sa tuwing makikita ko ang napakadaming estudyante dito ganun na din ang mga gimikan lalung lalu na pag nakikita ko ang FEU-east asia kung saan nagtapos ng kolehiyo ang mahal kong asawa na dati ay nobyo ko pa lamang. Hay grabe, alam mo bang ilang beses akong nasaktan noong kame ay magnobyo pa lamang? At dito mismo sa Recto nangyare ang mga pinakamasasakit na kaganapan...eheheh me ganon!?! Oo me ganun talaga. Masakit kaya ang iwan kang mag isa ng jowa mo sa gitna ng party at makita mong magturo ng bilyar sa ibang babae! At ang babae na yun ay malaman laman kong crush nya pala, haliparot na babae! ahahahah talagang me haliparot na word! ehehehhe Hindi lang yun...masakit din na aminin sayu ng jowa mo na nakipag fling sya at ako naman tong si G_g_ inalam ko pa ang buong kuwento at inalam ko pa ang lugar kung saan naganap ang mga pling-plingan na yan! Hay kaya sa tuwing makikita ko ang Recto ewan ko ba...paulit ulit na parang me tumutusok sa aking dibdb. Masakit pa rin...pilit ko mang limutin pero hindi talaga maalis. Alam ko sa sarili ko na pinatawad ko na ang aking asawa kung anu man ang nagawa niya, a;lam kong may pagkukulang din ako. MAsaya naman kame ngayun sa piling aming mga makukulit na anak pero yang mga memoryang yan ay sadyang di maalis sa puso ko. Hindi ko siya naaalala pag di ko nakikita ang recto. Ipaalis ko na kaya nag recto? Hay anu ba yan? Me sakit na ba ako sa utak??? Naku dahil pag nalaman ng asawa ko yan ay tiyak sasabihin nyang me sapak ako sa utak ehehehe kaya di ko nalnag sinasabi kasi nakakahiya di ba? Eniweys salamat sa pakikinig, sana naman ay tuluyan ng mawala sa puso at isip ko ang mga ala alang masasakit. Hay lablayp!

Saturday, May 30, 2009

Hay Buhay!

Hay grabe.....bisi-bisihan ako simula nakaraang linggo hanggang ngayun! Ang daming kelanagn gawin at kelanagang bilhin. Nungnakaraang sabado lamang namili na kame ng gamit ng anak kong mag-aaral na sa nursery. Nag-iisa pa lamang yan pero parang bankrap na kame eheheheh! Pero wag ka, mas eksayted pa ako na mamili kesa sa anak ko! Hay nanay nga naman! Nung nakaraang linggo nagpunta ako sa tagaytay, nag sayt oryentayshon! Kakapagod, pero sulit din namana kasi ang ganda ng tagaytay. Sana nga lanag maibenta ko ang bagong prajek na yun! Hay nahihlo na ko kaka tayp! Walaa ako sa mud magkwento ngayun, kaninakasi nasa mud ako eh...nawala na tuloy. Neks taym na nga lang! Babush! Gud nayt!

Tuesday, May 26, 2009

Pasaway Daw Ako?!?!

Aba teka.....kagagaling ko lamang kahapon sa Heritage Homes Meycauayan para i-tripping ang client ko na naismakita nag mga lote doon. Tanghali na nung matapos kame, salamat ke Jovi na staff sa opisina na nag assist sa akin sapagkat talagang hindi ko pa kabisado ang bawat phases sa lugar na iyon. Gutom na ako nung dumating kame sa monumento, dumerecho muna ako sa office upang magpahinga ngunit naisip ko na magpapa xerox pla ako. Tamang tama, sa ilaim ng northmall kung saan andun ang opisina ng Dragon, merong copytrade. Murang mura ang xerox doon. Trenta sentimo lamang ang isa. Aba'y mura nga pero makakapag mura ka naman sa sama ng ugali ng isang walang kuwentang bantay doon. Akalain mong sabihan ka ng "pasaway"! Tama ba iyon? Tama bang ang custumer nya eh sasabihan nya ng ganun?!? Bakit? E pasensya sya kung magulo ako, pasensya sya kung nalito ako sa "liquid" at "powder" xerox! Aba'y trabagho nyang magtyaga noh! Itong pasaway na ito ay isa sa mga nagbibigay sa kanyang trabaho! Hindi tama hindi ba? Kahit na pasaway pa ang kliyente mo, wala kng karapatang magmaktol at lalung magparinig na pasaway ako! Ito ang eksakting nangyare sa copytrade northmall..........

Ako: Miss pa xeroz nga po...
Babae: Ilan po?
Ako: 24 pieces yung pinakamura ha
Babae: (akmang mag xe xerox na sa machine....ngunit lumipat sa isang machine nung sinabi kong pinakamura)
Ako: Miss magkanu b ang liquid?
Babae: 30 cents po
Ako: e yung powder?
Babae: 50 cents po
Ako: Ay yung powder nlng (naisip kong mura p dn kahit powder kaya powder nlng d b?)
Babae: ANu po b tlga? powder o liquid?
Ako: Powder nlng
Babae: (nagmamaktol habang iniLilipat ulit ang machine) Hay naku....buena mano PaAWAY!
Ako: (agpantig ang tenga ko...) Ano? ANung sabi mo? Pasaway ako???
Babae: E kasi po sabi nyo pinakamura tapos ngayon POWDER!
Ako: (lalungnag init ang ulo...) E sa hindi ko alam ang difference ng liquid at powder eh! kaya nga nagtatanung eh! Buena mano pla ako eh bakit d mo ko tratuhin ng maayus!?!
Babae: (Hindi na sumagot....nagtanong nlng...) Ilang ciopies po ito?
Ako: (asigaw na sumagot at nakataas nag kilay...) 24 pieces...hindi mo b narinig!?!?

Nagxerox na ang babae....ngunit hindi p dn ako tumitigil sa kakatalak....

"hoy babae ka, kung ayaw mo ng pasaway, umuwi ka sa inyo at humilata nlng!"
"ang pangit pangit mo nakakairita ka, wala kang karapatang magreklamo dahil customer ako"

...pero syempre, dahil edukada naman ako at hindi ganun kasama ang ugali, sa utak ko lamang tumatakbo ang mga huling linyang iyan. Mabuti at huling sinabi nya ay kung ilang piraso ang ixe xerox nya...dahil kung sumagot sagot pa siya, malamang nasabi ko yun sa kanya ehehehhe =)

Hay, nag init tlga ang ulo ko nung araw na iyun, mabuti nalang at masarap ang ulam na tinda doon sa 3rd floor at kumain muna ako. Pagkatapos ay pumunta na ako sa SM North para umatend ng seminar ng bagong bahay at lupa na maaari ko na namang ibenta mula sa IPM. Hay, kakapagod ang arw na iyun! Ayun at nakatulog agad ako sa bahay pagtapos maligo. Hay.....BUHAY!!!!

Mga Kuwentong Walang Kuwenta

Wala lang. Una sa lahat nais ko lamang gumawa ng isa pang blog kung saan pede kong isambulat lahat nga aking nasa isip ng walang hirap at hindi kailangang dumugo ang ilong sa kaka - Ingles! Ikaw ba naman hinid mo masabi ang lahat ng nais mong sabihin kung i-inglesin ko pa! May mga salitang hindi mo masabi sa ingles at mas masarap sabihin sa tagalog. Hay naku...kaya eto, sa tingin ko mas masarap magsulat sa sariling wikanatin. Mas masarap magsulat kapag galit ka, kapagmasaya ka, kapag nabubugnot ka at walang magawa sa buhay! Kung sinuman ang magbabasa nito, pasensya na dahil mga walang kuwentang bagay lamang ang anririto =)
Salamat sa pagbasa!!