Monday, March 29, 2010

Tula

Ang Aming Ina
(ni: jganlising)

Ang aming Ina na nagpakadakila,
Sa aming APAT siya ay nag aruga
Simula ng aming Ama'y yumao,
Pagiging Ama't Ina'y kanyang inako.

Ang aming Ina'y walang katulad,
Kahit kanino'y di maihahalintulad
Sapagka't siya'y kakaiba at nag iisa,
Kaya't sa aming APAT siya ay mahalaga.

Ang aming Ina na laging nasa aming tabi,
Kanyang pansariling kaligayaha'y isinantabi
Sa aming APAT siya'y gumabay,
Upang lumaki ng tama at maging matagumpay.

Ang aming Ina ngyu'y Lola na,
Sa aming mga anak siya pa din ang nag aalaga
Ang kanyang pagmamahal ay walang humpay,
Siya'y laging handang gumabay habang buhay.

Ang aming Ina ngayu'y may edad na,
Nawa'y bigyan pa Niya ng lakas at sigla
Sapagkat nais pa namin siyang makasama,
At mapalitan ng ginhawa ng hirap na pinagdaanan nya.

Ang aming Ina na nagtaguyod sa aming APAT,
Kahit limpak na ginto ang ibayad ay di sapat
Sapagkat pagmamahal nya'y walang kapares
Yan si ANA ang aming INANG the BEST!

No comments:

Post a Comment